The Bible Software
bible.software › 2 Samuel › 2 Samuel 20 › 2 Samuel 20:6

2 Samuel 20:6

Kaya sinabi ni David kay Abisai, “Ngayon si Seba anak na lalaki ni Bicri ay gagawan tayo ng mas maraming pinsala kaysa sa ginawa ni Absalom. Kunin ang mga lingkod ng iyong panginoon, aking mga sundalo, at tugisin siya o baka makahanap siya ng pinatibay na mga lungsod at makawala sa ating paningin.”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And David said to Abishai, Now shall Sheba the son of Bichri do us more harm than did Absalom: take thou thy lord’s servants, and pursue after him, lest he get him fenced cities, and escape us.

In Context

5Kaya pumunta si Amasa para tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama, pero nanatili siya ng higit pa sa itinakdang oras na inutos sa kaniya ng hari.

7Pagkatapos lumabas ang kalalakihan ni Joab at hinabol siya, kasama ng mga lahi ni Kereteo at ang mga lahi ni Pelet at lahat ng malalakas na mandirigma. Umalis sila sa Jerusalem para habulin si Seba anak na lalaki ni Bicri.

Read all of 2 Samuel 20

Cross References

2 Samuel 2:18Ang tatlong anak na lalaki ni Zeruias ay naroon: Si Joab, at Abisai, at Asahel. Si Asahel ay napakabilis ng mga paa gaya ng isang gasel.

2 Samuel 3:39At ako ay mahina sa araw na ito, kahit na ako ang nahirang na hari. ang mga kalalakihang ito, ang anak na lalaki ni Zeruias, ay napakalupit para sa akin. Nawa'y si Yahweh ang magbayad sa masamang tao, sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kaniya para sa kaniyang kasamaan, gaya ng nararapat sa kaniya.”

2 Samuel 10:14Nang nakita ng hukbo ng Ammon na tumakas ang mga Arameo, tumakas din sila mula kay Abisai at bumalik papasok ng lungsod. Pagkatapos nagbalik si Joab mula sa mga tao ng Ammon at bumalik ng Jerusalem.

2 Samuel 18:2Pagkatapos ipinadala ni David ang hukbo, isang-katlo sa ilalim ng pamumuno ni Joab, isa pang katlo sa ilalim ng pamumuno ni Abisai anak ni Zeruias, kapatid ni Joab at isa pa ring katlo sa ilalim ng pamumuno ni Itai na taga-Gat. Sinabi ng hari sa hukbo, “Titiyakin kong sasama rin ako sa inyo..”

2 Samuel 19:7Kaya ngayon tumayo ka at lumabas, magsalita ng mabuti sa iyong mga sundalo, dahil ipinapangako ko kay Yahweh, kapag hindi ka pumunta, wala ni isang taong mananatili sa iyo mamayang gabi. Iyon ay magiging masama para sa iyo kaysa sa lahat ng kapahamakang nangyari sa iyo mula ng iyong kabataan hanggang ngayon.”

2 Samuel 23:18Si Abisai, lalaking kapatid ni Joab at lalaking anak ni Zeruias, ang kapitan ng tatlo. Minsan na siyang nakipaglaban sa tatlong daang kalalakihan gamit ang kaniyang sibat at pinatay sila. Madalas siyang banggitin kasama ng tatlong kawal.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study 2 Samuel 20:6

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← 2 Samuel 20:52 Samuel 202 Samuel 20:7 →