2 Samuel 21:14
Inilibing nila ang mga buto ni Saul at Jonatan na kaniyang anak na lalaki sa bansa ni Benjamin sa Zela, sa libingan ni Kish na kaniyang ama. Isinagawa nila ang lahat ng inutos ng hari. Pagkatapos sinagot ng Diyos ang kanilang mga panalangin sa lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 25:8Sinundan niya ang lalaking Israelita sa tolda at isinaksak ang sibat sa kapwa nilang katawan, sa lalaking Israelita at sa babae. Kaya natigil ang salot na ipinadala ng Diyos sa mga tao ng Israel.
Joshua 7:26Naglagay sila sa kaniyang ibabaw ng isang malaking bunton ng mga bato na narito hanggang sa araw na ito. Pinawi ni Yahweh ang kaniyang lumalagablab na galit. Kaya ang pangalan ng lugar ay ang lambak ng Achor hanggang sa ngayong araw na ito.
1 Samuel 10:2Kapag iniwan mo ako ngayon, may matatagpuan kang dalawang lalaki sa puntod ni Raquel, sa nasasakupan ng Benjamin at Zelza. Sasabihin nila sa iyo, 'Natagpuan na ang hinahanap mong mga asno. Ngayon, tumigil ang iyong ama sa pag-aalala tungkol sa mga asno, at nababalisa na tungkol sa iyo, sinasabing, “Ano ang dapat kong gawin sa anak ko?'”
2 Samuel 4:12Pagkatapos nagbigay si David ng utos sa mga binata, at pinatay nila sila at pinutol ang kanilang mga kamay at paa at isinabit sila sa tabi ng lawa sa Hebron. Pero kinuha nila ang ulo ni Isboset at inilibing ito sa libingan ni Abner sa Hebron.
1 Kings 18:40Kaya sinabi ni Elias sa kanila, “Dalhin ninyo ang mga propeta ni Baal. Huwag hayaang makatakas ni isa sa kanila”’ Kaya kinuha sila, at dinala ni Elias ang mga propeta ni Baal sa ibaba ng batis ng Cison at pinatay sila roon.
Joel 2:18At si Yahweh ay masikap para sa kaniyang lupain at naawa sa kaniyang mga tao.