2 Samuel 21:2
Ngayon hindi nagmula ang mga lahi ni Gibeon sa Israel; nagmula sila sa anumang natira ng mga Amoreo. Sumumpa ang mga tao ng Israel na hindi sila papatayin, subalit gayunpaman sinubukan silang lahat na patayin ni Saul sa kanyang kasigasig sa mga tao ng Israel at sa Judah.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 7:16Uubusin ninyo ang lahat ng mga lahi na binigay ni Yahweh na inyong Diyos na mapagtagumpayan, at sa inyong mata hindi ninyo sila kakaawaan. At hindi ninyo sasambahin ang kanilang mga diyos, dahil iyon ay magiging isang bitag sa inyo.
Joshua 9:15Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.
1 Samuel 15:8Pagkatapos dinala niyang buhay si Agag ang hari ng mga Amalek; tuluyan niyang nilipol ang lahat ng mga tao gamit ang talim ng espada.
2 Kings 10:31Pero hindi nag-ingat si Jehu na lumakad sa batas ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang kaniyang buong puso. Hindi siya tumalikod mula sa mga kasalanan ni Jeroboam, sa pamamagitan nito ay ginawa niyang magkasala ang Israel.
Luke 9:54Pagkatapos, nang makita ito ng kaniyang mga alagad na sina Santiago at Juan, sinabi nila, “Panginoon, nais mo bang iutos naming bumaba ang apoy mula sa langit at puksain sila?”
Romans 10:2Sapagkat sila ay pinatotohanan ko na mayroon silang pagsisikap para sa Diyos, ngunit hindi ayon sa kaalaman.