2 Samuel 21:1
May taggutom ng panahon ni David ng tatlong taon na magkakasunod, at hinanap ni David ang mukha ni Yahweh. Kaya sinabi ni Yahweh, “Kaya may taggutom sa iyo dahil kay saul at sa mapanganib niyang pamiya, dahil inilagay niya ang mga lahi ni Gibeon sa kamatayan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 26:1Ngayon, may taggutom sa lupain, bukod pa sa naunang taggutom na nagkaroon sa panahon ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, ang hari ng Filisteo sa Gerar.
Genesis 43:1Matindi na ang taggutom sa lupain.
Leviticus 26:26Kapag puputulin ko ang tustos ng inyong pagkain, sampung mga kababaihan ang makakaluto ng inyong tinapay sa isang hurnohan, at ipamamahagi nila ang inyong tinapay ayon sa timbang. Kakain kayo ngunit hindi mabubusog.
Joshua 7:1Pero kumilos ng hindi tapat ang bayan ng Israel tungkol sa mga bagay na inilaan para sa pagkawasak. Si Acan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zimri na anak na lalaki ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na inilaan para sa pagkawasak, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel.
Joshua 9:20Ito ang gagawin natin sa kanila: Para maiwasan ang anumang galit na maaaring dumating sa atin dahil sa panatang isinumpa namin na sa kanila, hahayaan natin silang mabuhay.”
1 Samuel 10:22Pagkatapos gustong magtanong ng mga tao sa Diyos ng karagdagang tanong, “May ibang lalaki pa bang darating?” Sumagot si Yahweh, “Itinago ni Saul ang kanyang sarili sa mga kargada.”