2 Samuel 22:32
Dahil sino ang Diyos maliban kay Yahweh? At sino ang isang bato maliban sa ating Diyos?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
For who is God, save the LORD? and who is a rock, save our God?
In Context
33Ang Diyos ay aking kanlungan, at pinamunuan niya ang walang salang tao sa kaniyang daraanan.
Cross References
Deuteronomy 4:35Sa inyo ipinakita ang mga bagay na ito, para malaman ninyo na si Yahweh ay Diyos, at walang iba pa maliban sa kaniya.
Deuteronomy 32:39Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas.
2 Samuel 7:22Kaya dakila ka, Panginoong Yahweh. Dahil wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng narinig ng aming mga sariling tainga.
2 Samuel 23:3Sinabi ng Diyos ng Israel, sinabi ng Bato ng Israel sa akin, 'Ang isang namumuno nang makatarungan sa mga tao, namumuno ng may takot sa Diyos.
Isaiah 44:8Huwag matakot o mangamba. Hindi ba ipinahayag ko sa iyo nang unang panahon, at ipinaalam ito? Kayo ang aking mga saksi: May ibang Diyos ba maliban sa akin? Walang ibang Bato; wala akong ibang kilala.”
Isaiah 45:21Magsilapit at ipahayag ito sa akin, magdala ng katibayan! Hayaan silang magsisabwatan. Sino ang nagpakita nito mula nang unang panahon? Sinong nagpahayag nito? Hindi ba ako, na si Yahweh? At walang ibang Diyos maliban sa akin, ang makatarungang Diyos at ang Tagapagligtas; walang iba maliban sa akin.