2 Samuel 24:2
Sinabi ng hari kay Joab na pinuno ng hukbo na kasama niya, “Puntahan ang lahat ng mga lipi ng Israel, mula Dan hanggang Beer-seba at bilangin ang lahat ng mga tao, para malaman ko ang buong bilang ng mga kalalakihang akma para sa digmaan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 8:13at kapag dumami ang inyong mga alagang hayop at mga kawan, at kapag dumami na ang inyong pilak at ginto, at kapag ang lahat ng nasa inyo ay dumami—
2 Samuel 2:13Si Joab anak na lalaki ni Zeruias at ang mga lingkod ni David ay lumabas at nakipagkita sa kanila sa lawa ng Gibeon. Umupo sila doon, isang grupo sa isang panig ng lawa at ang iba sa kabilang panig.
2 Samuel 8:16Naging pinuno ng hukbo si Joab anak na lalaki ni Zeruias, at naging tagapagtala si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud.
2 Samuel 20:23Ngayon si Joab ay nasa lahat ng hukbo ng Israel, at si Benaias anak na lalaki ni Joaida ay nasa mga lahi ni Ceret at sa mga lahi ni Pelet.
2 Samuel 24:15Kaya nagpadala si Yahweh ng salot mula umaga hanggang sa taning na oras, at pitumpung libong tao ang namatay mula Dan hanggang Beer-seba.
2 Chronicles 32:25Ngunit hindi tumanaw ng utang na loob si Ezequias kay Yahweh sa tulong na ibinigay sa kaniya, sapagkat nagmalaki ang kaniyang puso. Kaya dumating ang galit sa kaniya, sa Judah at sa Jerusalem.