2 Samuel 6:2
Tumayo si David at umalis kasama ang lahat niyang mga kalalakihan na sumama sa kaniya mula sa Baala sa Juda para dalhin ang kaban ng Diyos, na tinawag sa pamamagitan ng pangalan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa kadakilaan ng buong kerubin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 25:18Dapat kayong gumawa ng dalawang kerubin ng gintong pinanday para sa dalawang mga dulo ng takip ng luklukan ng awa.
Leviticus 24:11Ang anak na lalaki ng babaeng Israelita ay nilapastangan ang pangalan ni Yahweh at nilait ang Diyos, kaya dinala siya ng mga tao kay Moises. Ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomith, ang anak na babae ni Dibri, mula sa lipi ni Dan.
Joshua 15:60Kiriat Baal, (ito ay Kiriat Jearim), at Rabba. Ito ang dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon.
1 Samuel 6:21Nagpadala sila ng mga mensahero na naninirahan sa Kiriath Jearim, sinasabing, “Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh; bumaba at dalhin ninyo ito pabalik.”
1 Kings 8:6Dinala ng mga pari ang arko ng tipan ni Yahweh sa lugar nito, hanggang sa pinakaloob na silid ng tahanan, sa kabanal-banalang lugar, sa ilalim ng mga pakpak ng kerubin.
Psalms 80:1Bigyang pansin mo, Pastol ng Israel, ikaw na nangunguna kay Jose tulad ng isang kawan; ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, magliwanag ka sa amin!