2 Timoteo 2:15
Gawin mo ang lahat mong makakaya upang iharap ang iyong sarili na karapat-dapat sa Diyos bilang isang manggagawang walang dapat ikahiya. Panghawakan mo ng tama ang salita ng katotohanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
16Iwasan ang usapang malaswa, na siyang nagiging daan sa higit pang kawalan ng pagkilala sa Diyos.
Cross References
Mark 4:33Ipinangaral niya ang salita sa kanila sa pamamagitan ng maraming talinghagang katulad nito, hanggang sa kaya nilang maunawaan,
John 21:15Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon anak ni Juan, mas mahal mo ba ako kaysa sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga tupang bata.”
Acts 20:27Dahil hindi ko ipinagkait sa inyo ang pagpapahayag ng lahat ng kalooban ng Diyos.
Romans 16:10Batiin ninyo si Apeles, na subok kay Cristo. Batiin ninyo ang mga nasa sambahayan ni Aristobulo.
1 Corinthians 3:1At ako, mga kapatid, hindi ko kayo nakakausap na tulad ng mga taong espiritual, sa halip bilang mga taong makalaman, bilang mga sanggol kay Cristo.
2 Corinthians 4:2Sa halip, itinakwil pa namin ang mga kaparaanan na kahiya-hiya at nakatago. Hindi kami namumuhay sa pandaraya, at hindi namin ginagamit sa maling paraan ang salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan, iminumungkahi namin ang aming sarili para sa budhi ng lahat sa paningin ng Diyos.