2 Timothy 2:14
Palagi mo silang paalalahanan ng mga bagay na ito. Pagsabihan mo sila sa harap ng Diyos na huwag makipag-away tungkol sa mga salita. Dahil, walang mapapakinabangan dito. Dahil dito may pagkawasak para sa mga nakikinig.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 12:21Huwag kayong tumalikod pagkatapos ng mga walang kabuluhang bagay na hindi mapapakinabangan o makakapagligtas sa inyo, dahil ang mga ito ay walang silbi.
Jeremiah 2:11May bansa bang ipinagpalit ang mga diyos kahit hindi naman sila mga diyos? Ngunit ipinagpalit ng aking mga tao ang kanilang kaluwalhatian sa hindi makakatulong sa kanila.
Jeremiah 16:19Yahweh, ikaw ang aking matibay na tanggulan, aking kanlungan, aking ligtas na lugar sa panahon ng kabagabagan. Ang mga bansa ay pupunta sa iyo mula sa wakas ng lupa at magsasabi, “ Tunay na ang aming mga ninuno ay nagmana ng panlilinlang. Wala silang alam; walang pakinabang sa kanila.
Jeremiah 23:36Ngunit hindi na ninyo kailangan pang magsalita tungkol sa pahayag ni Yahweh, sapagkat sa bawat pahayag mula sa bawat tao ay naging kaniyang sariling mensahe, at binago ninyo ang mga salita ng buhay na Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, na ating Diyos.
Matthew 16:26Ano ang mapapala ng isang tao, kung mapasakaniya man ang buong mundo ngunit ang kabayaran ay ang kaniyang buhay? Ano ang maibibigay ng tao kapalit ng kaniyang buhay?
Acts 15:24Nalaman namin na may ilang mga kalalakihan kung saan hindi kami nagbigay ng anumang utos ay pumunta sa inyo at nagbagabag sa inyo sa mga katuruang aming ipinahayag na nagbabagabag sa inyong mga kaluluwa.