2 Timothy 2:19
Gayunman, nakatayo ang matibay na pundasyong itinatag ng Diyos. Mayroon itong tatak na ganito: “Nakikilala ng Panginoon kung sino ang mga kaniya” at “Bawat isang tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 16:5Nagsalita siya kay Korah at sa lahat ng kaniyang pangkat; sinabi niya, “Sa kinaumagahan, ipapakita ni Yahweh kung sino ang kaniya, at kung sino ang inilaan kay Yahweh. Dadalhin niya sa kaniya ang taong pipiliin niya. Dadalhin siya ni Yahweh sa kaniyang sarili.
Psalms 1:6Dahil sinasang-ayunan ni Yahweh ang daanan ng matuwid, pero ang daanan ng masama ay mapupuksa.
Psalms 37:18Binabantayan ni Yahweh ang mga walang kasalanan araw-araw, at ang kanilang mana ay mananatili magpakailanman.
Psalms 97:10Kayong mga nagmamahal kay Yahweh, kamuhian ninyo ang masama! Ipinagtatanggol niya ang buhay ng kanyang mga banal at inililigtas niya sila sa kamay ng mga masasama.
Psalms 125:1Silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tulad ng bundok ng Sion, hindi matitinag, at mananatili magpakailanman.
Proverbs 10:25Ang masama ay tulad ng isang bagyo na dumadaan, at sila ay wala na, ngunit silang gumagawa ng tama ay isang pundasyon na magtatagal kailanman.