2 Timothy 2:21
Kung sinuman ang maglinis ng kaniyang sarili mula sa hindi marangal na pagkakagamit, siya ay isang marangal na lalagyan. Siya ay ibinukod, kagamit-gamit sa kaniyang Panginoon, at inihanda para sa bawat mabuting gawain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 119:9Paano pananatilihing dalisay ng isang kabataan ang kaniyang landas? Sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong salita.
Isaiah 52:11Umalis kayo, umalis kayo, lumabas kayo roon; huwag kayong humipo ng kahit anong maruruming bagay; umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan; dalisayin ninyo ang inyong mga sarili, kayong mga nagdadala ng mga sisidlan ni Yahweh.
Malachi 3:3Uupo siya upang mamuno bilang isang tagapaglinang at tagapagdalisay ng pilak at dadalisayin niya ang mga anak na lalaki ni Levi. At lilinangin niya silang katulad ng ginto at pilak at magdadala sila ng mga alay ng katuwiran kay Yahweh.
1 Corinthians 5:7Linisin ninyo ang inyong sarili sa lumang lebadura upang kayo ay maging bagong masa, at upang kayo ay maging tinapay na walang lebadura. Sapagkat si Cristo, na ating kordero ng Paskua, ay inihandog na.
Ephesians 2:10Sapagkat tayo ay ginawa ng Diyos, nilikha kay Cristo Jesus upang gumawa ng mga mabubuting gawa. Ito ang mga gawa na matagal ng binalak ng Diyos para sa atin, upang makalakad tayo sa mga ito.
2 Timothy 3:17Ito ay upang ang lingkod ng Diyos ay magkaroon ng kakayahan, at mabigyan ng kasangkapan sa lahat ng mabuting gawa.