Acts 10:28
Sinabi niya sa kanila, “Batid ninyo mismo na hindi naaayon sa batas para sa isang Judio na makihalubilo o bumisita sa kaninuman galing sa ibang bansa. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawagin ang sinuman na marumi o hindi malinis.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 65:5Sinasabi nila, 'Lumayo kayo, huwag kayong lalapit sa akin dahil ako ay mas banal kaysa sa inyo.' Ang mga bagay na ito ay parang usok sa aking ilong, isang apoy na nagniningas buong maghapon.
John 4:9Pagkatapos ay sinabi ng Samaritana sa kaniya, “Paanong ikaw, na isang Judio, ay humihingi sa akin, na isang Samaritana, ng maiinom?” Dahil ang mga Judio ay hindi nakikitungo sa mga Samaritano.
John 18:28Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa Pretorio. Umagang-umaga pa noon at sila mismo ay hindi pumasok sa Pretorio upang hindi sila marumihan at upang sila ay makakain sa Paskwa.
Acts 10:34At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, “Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos.
Acts 11:9Ngunit ang tinig ay sumagot muli mula sa langit, “Ang ipinahayag ng Diyos na malinis, huwag mong ituring na hindi malinis.”
Acts 22:21Ngunit sinabi niya sa akin “Umalis ka, dahil papupuntahin kita sa mga Gentil.”