Acts 10:31
At sinabi niya, “Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And said, Cornelius, thy prayer is heard, and thine alms are had in remembrance in the sight of God.
In Context
Cross References
Leviticus 2:9Pagkatapos kukuha ang pari ng ilan mula sa butil na handog upang alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh, at susunugin niya ito sa altar. Magiging isang handog ito sa pamamagitan ng apoy, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
Isaiah 38:5Magtungo ka at sabihin kay Hezekias, ang lider ng aking bayan, 'Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David inyong ninuno, nagsasabing: narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Tingnan mo, labinlimang taon ang idadagdag ko sa iyong buhay.
Daniel 10:12Pagkatapos, sinabi niya sa akin, “Huwag kang matakot, Daniel. Samantalang sa unang araw na itinakda mo ang iyong isipan upang unawain at upang magpakumbaba ang iyong sarili sa harapan ng Diyos, ang iyong mga salita ay narinig at dumating ako dahil sa iyong mga salita.
Acts 10:4Tumitig si Cornelio sa anghel at takot na takot na sinabi, “Ano po iyon, ginoo?” Sinabi ng anghel sa kaniya, “Ang iyong mga panalangin at mga kaloob sa mga mahihirap ay pumaitaas bilang alaala na alay sa harapan ng Diyos.
Hebrews 6:10Sapagkat ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita para sa kaniyang pangalan, sa ganoon naglingkod kayo sa mga mananampalataya at patuloy na naglingkod sa kanila.
Revelation 8:3Isa pang anghel ang dumating, hawak ang isang gintong mangkok ng insenso, nakatayo sa altar. Maraming insenso ang ibinigay sa kaniya, sa gayon dapat niya itong ialay kasama ng mga panalangin ng lahat ng mga mananampalataya sa gintong altar sa harap ng trono.