Acts 13:21
Pagkatapos nito, humingi ang mga tao ng isang hari, kaya ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul na anak ni Cis, isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin sa loob ng apatnapung taon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 8:5Sinabi nila sa kanya, “Tingnan mo, matanda ka na at hindi lumalakad ayon sa mga paraan mo ang iyong mga anak. Pumili ka para sa amin ng isang hari na hahatol sa amin tulad ng lahat ng mga bansa.”
1 Samuel 10:21Pagkatapos dinala niya palapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at napili ang angkan ng mga Matrites; at napili si Saul na anak ni Kish. Subalit nang siya ay hinahanap nila, hindi siya matagpuan.
1 Samuel 12:12Nang nakita ninyo na dumating si Nahas ang hari ng bayan ng Ammon laban sa inyo, sinabi ninyo sa akin. 'Hindi! Sa halip, isang hari dapat ang mamuno sa amin'—kahit na si Yahweh, ang inyong Diyos, ang hari ninyo.