Acts 13:22
Nang matapos siyang alisin ng Diyos sa pagiging hari, hinirang niya si David upang maging kanilang hari. Sinabi ito ng Diyos tungkol kay David, 'Natagpuan ko si David na anak ni Jesse isang lalaking malapit sa aking puso, gagawin niya ang lahat ng aking naisin.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 12:25Subalit kung magpumilit kayo sa paggawa ng masama, kapwa kayo at inyong hari ay mamamatay.”
1 Samuel 15:11“Nalulungkot akong ginawa kong hari si Saul, dahil tumalikod siya sa pagsunod sa akin at hindi tinupad ang aking mga kautusan.” Galit si Samuel; buong gabi siyang umiyak kay Yahweh.
1 Samuel 15:26Sinabi ni Samuel kay Saul, “Hindi ako babalik kasama mo; dahil tinanggihan mo ang salita ni Yahweh, at tinanggihan ka ni Yahweh mula sa pagiging hari sa Israel.”
1 Samuel 16:1Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Hanggang kailan ka magluluksa para kay Saul, yamang tinanggihan ko siya mula sa pagiging hari sa Israel? Punuin mo ng langis ang iyong sungay na sisidlan at umalis. Ipapadala kita kay Jesse na taga-Bethlehem, sapagkat pumili ako para sa aking sarili ng isang hari sa kanyang mga anak na lalaki.”
1 Samuel 28:16Sinabi ni Samuel, “Ano ngayon ang kahilingan mo sa akin, yamang iniwan ka na ni Yahweh, at naging kaaway mo siya?
2 Samuel 2:4Pagkatapos dumating ang mga kalalakihan mula sa Juda at hinirang si David na hari sa buong sambahayan ng Juda. Sinabi nila kay David, “Ang mga kalalakihan sa Jabes Galaad ang naglibing kay Saul.