Acts 15:5
Ngunit ilan sa mga kalalakihan na nanampalataya, na kabilang sa pangkat ng mga Pariseo ay tumayo at nagsabi, “Kinakailangan na sila ay matuli at utusan sila na sundin ang kautusan ni Moises.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Kaya nagtipon ang mga apostol at nakatatanda upang pag-usapan ang bagay na ito.
Cross References
Acts 15:1May ilang mga lalaki na bumaba galing sa Judea at nagturo sa mga kapatid na nagsasabi “Maliban na kayo ay magpatuli mula sa kaugalian ni Moises, kayo ay hindi maliligtas.”
Acts 21:20Nang marinig nila ito, nagpuri sila sa Diyos at sinabi nila sa kaniya, “Nakita mo, kapatid, kung ilang libo ang nanampalataya sa mga Judio. Nagsisikap silang lahat na sundin ang kautusan.
Acts 26:5Kilala nila ako mula sa simula at kinakailangan nilang tanggapin na namuhay ako bilang isang Pariseo, isang napakahigpit na sekta ng aming relihiyon.
Philippians 3:5Tinuli ako noong ika-walong araw. Ipinanganak ako sa lahi ng Israel, sa lipi ni Benjamin. Ipinanganak akong isang Hebreo ng mga Hebreo. Bilang paggalang sa kautusan, ipinanganak akong isang Pariseo.