Acts 16:13
Nang Araw ng Pamamahinga lumabas kami sa tarangkahan sa may tabi ng ilog, na kung saan naisip namin na may lugar doon upang manalangin. Naupo kami at nakipag usap sa mga nagtipon-tipon na mga babae.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 13:2May napakaraming bilang ng tao ang pumalibot sa kaniya kaya sumakay siya sa isang bangka at umupo doon. Ang lahat ng tao ay tumayo sa dalampasigan.
Luke 4:20Pagkatapos ay inirolyo niya ang kasulatang binalumbon, ibinalik sa tagapangasiwa ng sinagoga, at umupo. Ang mga mata ng lahat ng tao sa sinagoga ay nakatuon sa kaniya.
John 8:2Kinaumagahan, pumunta siyang muli sa templo, at lahat ng mga tao ay pumunta sa kaniya; umupo siya at tinuruan sila.
Acts 13:42Habang paalis na sina Pablo at Bernabe, nagmakaawa sa kanila ang mga tao kung maaari nilang sabihin muli ang katulad na mensahe sa susunod na Araw ng Pamamahinga.
Acts 17:2Tulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa kanila, at sa tatlong araw ng sabbath ay nangatwiran sa kanila mula sa mga kasulatan.
Acts 20:7Sa unang araw ng linggo, nang kami ay nagtipun-tipon upang pagpira-pirasuhin ang tinapay, nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya. Binabalak niyang umalis kinabukasan, kaya patuloy siyang nagsalita hanggang hating gabi.