Acts 17:26
At mula sa isang tao ay nilikha niya ang bawat lahi ng mga taong nabubuhay sa ibabaw ng mundo, itinakda niya ang kanilang mga kapanahunan at ang hangganan ng kanilang tinitirahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 3:20Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa sa pangalang Eva dahil siya ang ina ng lahat ng mga nabubuhay.
Deuteronomy 32:7Isaisip ang mga araw ng sinaunang panahon, isipin ang tungkol sa maraming taong lumipas. Tanungin ang inyong ama at ipapakita niya sa inyo, ang inyong mga nakakatanda at sasabihin nila sa inyo.
Job 14:5Ang mga araw ng tao ay tiyak; Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nasa iyo; itinakda mo ang kaniyang mga hangganan para hindi siya makalampas.
Isaiah 14:31Umungol kayo, umiyak kayo; lungsod; matutunaw ang lahat ng mayroon ka; Filistio. Dahil mula sa hilaga, darating ang ulap na usok, at walang nakahiwalay sa hanay niya.
Isaiah 45:21Magsilapit at ipahayag ito sa akin, magdala ng katibayan! Hayaan silang magsisabwatan. Sino ang nagpakita nito mula nang unang panahon? Sinong nagpahayag nito? Hindi ba ako, na si Yahweh? At walang ibang Diyos maliban sa akin, ang makatarungang Diyos at ang Tagapagligtas; walang iba maliban sa akin.
Daniel 11:35Ang ilan sa mga matatalino ay matitisod upang maging dalisay, malinis at malinang hanggang sa panahon ng katapusan. Sapagkat ang nakatakdang panahon ay paparating pa lamang.