Acts 19:18
Gayon din, marami sa mga mananampalataya ang dumating na nagsabi at umamin ng kanilang mga kasamaang ginawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And many that believed came, and confessed, and shewed their deeds.
In Context
Cross References
Leviticus 26:40Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
Psalms 32:5Pagkatapos inamin ko ang aking kasalanan sa iyo, at hindi ko na ikinubli ang aking kasamaan. Sinabi ko, “aaminin ko ang pagsuway ko sa iyo Yahweh,” at pinatawad mo ang kabigatan ng aking kasalanan. Selah
Jeremiah 3:13Aminin mo ang iyong malaking kasalanan, sapagkat lumabag ka laban kay Yahweh na iyong Diyos, nakisama ka sa mga dayuhan sa ilalim ng bawat mayabong na punongkahoy! Sapagkat hindi mo pinakinggan ang aking tinig! Ito ang pahayag ni Yahweh.
Ezekiel 36:31At maiisip ninyo ang inyong masasamang mga kaparaanan at ang mga gawa ninyong hindi mabuti, at kamumuhian ninyo ang inyong mga sarili dahil sa inyong mga sariling kasalanan at ang kasuklam-suklam ninyong mga gawa.
Romans 10:10Sapagkat sa puso nananampalataya ang tao sa katuwiran, at sa bibig kumikilala siya para sa kaligtasan.