Acts 2:39
Sapagkat sa inyo ang pangako at sa inyong mga anak at sa lahat ng mga nasa malayo, at sa mga tao na tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 115:14Nawa palalaguin ni Yahweh ang inyong bilang ng higit pa, kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan.
Isaiah 54:13At tuturuan ni Yahweh ang lahat ng inyong mga anak; at ang kapayapaan ng inyong mga anak ay magiging dakila.
Isaiah 59:19Kaya sila ay matatakot sa pangalan ni Yahweh mula sa kanluran, at ang kaniyang kaluwalhatian mula sa pagsikat ng araw; dahil siya ay darating tulad ng isang batis na mabilis na umaagos, pinadadaloy sa pamamagitan ng paghinga ni Yahweh.
Ezekiel 37:25Maninirahan sila sa lupaing ibinigay ko sa lingkod kong si Jacob, kung saan nanatili ang inyong mga ama. Maninirahan sila dito magpakailanman—sila, ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga apo, sapagkat ang lingkod kong si David ang kanilang magiging pinuno magpakailanman.
Joel 2:32Mangyayari na ang lahat ng tatawag sa pangalan ni Yahweh ay maliligtas. Sapagkat may mga makatatakas sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, gaya ng sinabi ni Yahweh, at sa mga makaliligtas, ang mga tinawag ni Yahweh.
Acts 10:45Ang mga taong napabilang sa mga mananampalatayang tuli—lahat ng mga sumama kay Pedro— ay namangha, dahil ang kaloob ng Banal na Espiritu ay naibuhos din sa mga Gentil.