Acts 24:5
Dahil natuklasan namin na ang taong ito ay nanggugulo at dahilan ng paghihimagsik ng lahat ng mga Judio sa buong mundo. Siya ang pinuno ng sektang Nazareno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 18:17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya sa kaniya, “ikaw ba ito, ikaw na gumagawa ng kaguluhan sa Israel?”
Nehemiah 6:5Ipinadala ni Sanbalat ang kanyang lingkod sa akin sa parehong paraan nang ika-limang beses, na may isang bukas na liham sa kanyang kamay.
Jeremiah 38:4Kaya sinabi ng mga opisyal sa hari, “Patayin ang taong ito, sapagkat sa paraang ito pinahihina niya ang mga kamay ng mga mandirigmang kalalakihan na nananatili sa lungsod na ito, at ang mga kamay ng lahat ng mga tao. Pinahayag niya ang mga salitang ito, sapagkat ang taong ito ay hindi gumagawa ng kaligtasan para sa mga taong ito, kundi kapahamakan.”
Matthew 2:23at pumunta siya at nanirahan sa lungsod na tinatawag na Nazaret. Natupad kung ano ang sinabi sa pamamagitan ng mga propeta na siya ay tatawaging Nazareno.
Matthew 10:25Sapat na ang alagad ay maging katulad ng kaniyang guro, at ang lingkod na katulad ng kaniyang amo. Kung tinawag nilang Beelzebub ang amo ng bahay, gaano pa kaya nila ipapahiya ang buo niyang sambahayan!
Luke 23:5Ngunit sila ay nagpupumilit, sinasabi, “Ginugulo niya ang mga tao, nagtuturo sa buong Judea, mula sa Galilea maging sa lugar na ito.”