Lucas 23:5
Ngunit sila ay nagpupumilit, sinasabi, “Ginugulo niya ang mga tao, nagtuturo sa buong Judea, mula sa Galilea maging sa lugar na ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Kaya nang marinig ito ni Pilato, tinanong niya kung ang taong iyon ay taga-Galilea.
Cross References
Psalms 22:16Dahil pinapaligiran ako ng mga aso; napalibutan ako ng samahan na mga mapaggawa ng masama; tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.
Psalms 69:4Higit pa sa aking mga buhok sa ulo ang mga napopoot sa akin ng walang dahilan; ang mga pumapatay sa akin, ang naging mga kaaway ko dahil sa mga maling dahilan, ay makapangyarihan; ang mga hindi ko ninakaw ay kailangan kong ibalik.
Matthew 4:23Nilibot ni Jesus ang buong Galilea, nagtuturo siya sa kanilang mga sinagoga, ipinangaral niya ang ebanghelyo ng kaharian, pinapagaling niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao.
Mark 1:14Ngayon matapos madakip si Juan, dumating si Jesus sa Galilea na nagpapahayag ng ebanghelyo ng Diyos,
Luke 11:53Pagkatapos umalis ni Jesus doon, ang mga eskriba at ang mga Pariseo ay tutol sa kaniya at nakipagtalo sa kaniya tungkol sa maraming bagay,
John 1:43Kinabukasan, nang si Jesus ay nais na umalis para pumunta sa Galilea, nakita niya si Felipe at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”