Acts 25:8
Pinagtanggol ni Pablo ang kaniyang sarili at sinabing, “Hindi laban sa pangalan ng mga Judio, hindi laban sa templo, at hindi laban kay Cesar, wala akong ginawang masama.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 40:15Dahil ang totoo ako ay inagaw palabas sa lupain ng mga Hebreo. Dito naman ay wala akong ginawa para ilagay nila ako sa bartolinang ito.”
Daniel 6:22Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.”
Acts 23:1Tumingin si Pablo ng diretso sa mga miyembro ng konseho at sinabi, “Mga kapatid, namuhay ako sa harapan ng Diyos ng may mabuting budhi hanggang sa araw na ito.”
Acts 24:12at nang makita nila ako sa templo, hindi ako nakipagtalo kahit kaninuman, at hindi ko ginulo ang maraming tao, maging sa mga sinagoga o sa lungsod;
Acts 25:10Sinabi ni Pablo, “Tatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar kung saan ako dapat hatulan, Hindi ako gumawa ng mali sa mga Judio, gaya ng pagkakaalam ninyo.
Acts 28:21At sinabi nila sa kaniya, “Kami ay walang natanggap na mga sulat mula sa Judea patungkol sa iyo, o sinuman sa mga kapatirang dumating at nagbalita o nagsabi ng anumang masama patungkol sa iyo.