Acts 28:15
Mula doon ang mga kapatiran pagkatapos nilang marinig ang tungkol sa amin, dumating sila para salubungin kami sa malayo sa Pamilihan ng Appio at Ang Tatlong Tuluyan. Nang nakita ni Pablo ang magkapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at siya ay napalakas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 4:14Pagkatapos nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, “Ano kaya kung si Aaron, ang iyong kapatid na Levita? Alam ko na nakakapagsalita siya ng maayos. Bukod dito, paparating siya para makipagkita sa iyo, at kapag nakita ka niya, magsasaya ang kaniyang puso.
Joshua 1:9Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
Psalms 27:14Maghintay kayo kay Yahweh; maging matatag, at hayaan na maging matapang ang inyong puso! Maghintay kayo kay Yahweh!
Acts 10:25Nangyari nga na nang papasok na si Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at lumuhod sa kaniyang paanan para parangalan siya.
Romans 15:24Kaya sa tuwing pumupunta ako sa Espanya, umaasa akong makita kayo sa aking pagdaan, at inasahan ko din na kayo ang tutulong sa aking pag-alis pagkatapos akong magsaya kasama kayo kahit panandalian lang.
2 Corinthians 2:14Ngunit, salamat sa Diyos na laging nagdadala sa atin sa tagumpay kay Cristo. Sa pamamagitan natin, ipinalaganap niya ang mabangong samyo ng kaalaman sa kaniya sa lahat ng dako.