Acts 3:14
Inyong itinakwil Ang Banal at Ang Matuwid, at sa halip hiniling ninyo na mapalaya ang isang mamamatay tao para sa inyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But ye denied the Holy One and the Just, and desired a murderer to be granted unto you;
In Context
Cross References
Zechariah 9:9Sumigaw ka nang may labis na kagalakan, anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang may kasiyahan, anak na babae ng Jerusalem! Masdan ninyo! Parating sa inyo ang inyong hari nang may katuwiran at ililigtas kayo. Mapagpakumbaba at sasakay siya sa isang asno, sa anak ng isang asno.
Mark 15:7Doon, sa kulungan kasama sa mga manghihimagsik, kabilang sa mga mamamatay tao na kasapi sa rebelyon, ay isang lalaking nagngangalang Barabas.
Luke 1:35Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
Luke 23:25Pinalaya niya ang taong hiniling nila, na ibinilanggo dahil sa panggugulo at pagpatay. Ngunit ibinigay niya si Jesus ayon sa kalooban nila.
Acts 4:27Totoong kapwa sina Herod at Poncio Pilato, kasama ang mga Gentil at ang mga Israelita ay nagtipon-tipon sa lungsod na ito laban sa inyong banal na lingkod na si Jesus, na inyong pinili.
Acts 22:14Pagkatapos sinabi niya 'Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman ang kaniyang kalooban, upang makita ang Isang Matuwid, at upang pakinggan ang tinig na manggagaling sa kaniyang sariling bibig.