Luke 1:35
Sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ang Banal na Espirito ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay mapapasaiyo. Kaya ang banal na isisilang, ay tatawaging Anak ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 14:4Sinong magdadala ng mga bagay na malinis mula sa mga bagay na marumi? Walang sinuman.
Job 25:4Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae?
Psalms 51:5Masdan mo, ako ay isinilang sa malaking kasalanan; nang ipinagdadalang-tao ako ng aking ina, ako ay naroon na sa kasalanan.
Matthew 1:20Habang iniisip ni Jose ang mga bagay na ito, nagpakita sa kaniya ang isang anghel ng Panginoon sa panaginip at sinabi, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria dahil ang kaniyang pinagbubuntis ay sa Banal na Espiritu.
Matthew 14:33At ang mga alagad sa bangka ay sumamba kay Jesus at sinabi, “Tunay ngang ikaw ang Anak ng Diyos.”
Matthew 27:54Ngayon nang masaksihan ng kapitan ng kawal at ng mga nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga bagay na nangyari, lubha silang natakot at nagsabi, “Tunay na Anak siya ng Diyos.”