Acts 4:24
Nang marinig nila ito, sama-sama nilang nilakasan ang kanilang mga boses sa Diyos at sinabi, “Panginoon, ikaw na siyang may gawa ng langit at lupa, at ng dagat, at ng lahat ng naroon,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 19:15Pagkatapos nanalangin si Hezekias sa harapan ni Yahweh at sinabing, “Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ikaw na nakaluklok sa ibabaw ng kerubim, ikaw lang ang Diyos sa lahat ng mga kaharian sa buong mundo. Nilikha mo ang langit at ang lupa.
Nehemiah 9:6Ikaw si Yahweh. Ikaw lamang. Ginawa mo ang langit, ang pinakamataas na kalangitan, kasama ng lahat ng kanilang mga anghel na nakahanda para sa digmaan, at ang lupa at lahat nang naroon, at ang mga dagat at lahat ng nasa kanila. Nagbigay ka ng buhay sa kanilang lahat, at ang hukbo ng mga anghel ng langit ay sumasamba sa iyo.
Psalms 62:5Naghihintay ako nang tahimik para lamang sa Diyos; dahil nakatuon ang aking pag-asa sa kaniya.
Psalms 109:29Nawa ang mga kaaway ko ay mabalutan ng kahihiyan; nawa suotin nila ang kanilang kahihiyan gaya ng isang balabal.
Isaiah 51:12“Ako, Ako, ang siyang umaaliw sa inyo. Bakit kayo natatakot sa mga tao, na mamamatay, ang mga anak ng tao, na ginawa tulad ng damo?
Jeremiah 20:13Umawit kay Yahweh! Purihin si Yahweh! Sapagkat iniligtas niya ang mga buhay ng mga naapi mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.