Acts 7:2
Sinabi ni Esteban, ''Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa akin: Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating ama na si Abraham noong siya ay nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran;
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Sinabi ng pinaka-punong pari, “Totoo ba ang mga bagay na ito?''
Cross References
Genesis 12:1Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo.
Genesis 15:7Sinabi niya sa kaniya, “Ako si Yahweh na nagdala sa iyo palabas ng Ur ng mga Caldeo, para ibigay sa iyo ang lupaing ito para manahin ito.”
Joshua 24:2Sinabi ni Josue sa buong bayan, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Nanirahan ang inyong mga ninuno noong unang panahon sa ibayo ng Ilog Eufrates—si Tera, ang ama ni Abraham at ang ama ni Nahor—at sinamba nila ang ibang mga diyos.
Psalms 24:7Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan, para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok!
Psalms 29:3Ang tinig ni Yahweh ay naririnig sa ibabaw ng mga katubigan; dumadagundong ang Diyos ng kaluwalhatian, dumadagundong si Yahweh sa ibabaw ng katubigan.
Isaiah 51:2Tingnan ninyo si Abraham, ang inyong ama, at si Sara, na nagpanganak sa inyo; dahil nang siya ay mag-isa, tinawag ko siya. Pinagpala ko siya at pinarami.