The Bible Software
bible.softwareActsActs 7 › Acts 7:36

Acts 7:36

Ginabayan sila ni Moises palabas ng Egipto, pagkatapos gumawa ng mga himala at tanda sa Egipto at sa dagat na pula at sa ilang sa loob ng apatnapung taon.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

He brought them out, after that he had shewed wonders and signs in the land of Egypt, and in the Red sea, and in the wilderness forty years.

In Context

35Itong Moises na kanilang tinanggihan, nang kanilang sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo na tagapamuno at tagahatol?'—siya ang sinugo sa atin ng Diyos upang maging tagapamuno at tagapagligtas. Sinugo siya ng Diyos sa pamamagitan ng kamay ng anghel na nagpakita kay Moises sa mababang puno.

37Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga tao ng Israel, 'Maghihirang ang Diyos ng isang propeta para sa inyo mula sa inyong mga kapatid, isang propeta na katulad ko.'

Read all of Acts 7

Cross References

Exodus 7:1Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Tingnan mo, ginawa kitang parang isang diyos kay Paraon. Si Aaron na iyong kapatid ang magiging propeta mo.

Exodus 14:21Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat. Pinabalik ni Yahweh ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silangan sa buong gabing iyon at ginawang tuyong lupa. Sa ganitong paraan nahati ang tubig.

Exodus 15:23Pagkatapos nakarating sila sa Mara, pero hindi nila mainom ang tubig doon dahil mapait ito. Kaya tinawag nilang Mara ang lugar na iyon.

Exodus 16:35Kumain ng manna ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon hanggang sa makarating sila sa lupaing may naninirahan. Kumain sila nito hanggang sa makarating sila sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.

Exodus 33:1Kinausap ni Yahweh si Moises, “Umalis ka rito, kayo at ang bayan na dinala mo palabas mula sa lupain ng Ehipto. Puntahan mo ang lupain na kung saan ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob, nang aking sinabi, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.'

Numbers 11:1Ngayon nagreklamo ang mga tao tungkol sa kanilang mga kabalisahan habang nakikinig si Yahweh. Narinig ni Yahweh ang mga tao at nagalit. Nagliyab sa kanila ang apoy na mula kay Yahweh at tinupok ang ilang bahagi ng kampo sa mga gilid nito.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)聖書 (日本語)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)

Study Acts 7:36

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeAlbert BarnesJohn WesleyJohn CalvinScofieldWilliam BurkittFamily Bible NotesJohn LightfootGeneva Bible Notes (1599)
← Acts 7:35Acts 7Acts 7:37 →