Acts 7:43
Tinanggap ninyo ang tabernakulo ni Molec at ang bituin ng diyos na si Rephan, at ang mga imahe na inyong ginawa upang sila ay sambahin. At dadalhin ko kayo palayo sa Babilonia.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:4Huwag dapat kayong gumawa para sa sarili ninyo ng isang inukit na larawan ni kahalintulad ng anumang bagay na nasa itaas ng langit, o sa lupa na nasa ilalim, o sa tubig na nasa ibaba.
Leviticus 20:2“Sabihin sa bayan ng Israel, 'Sinuman sa mga mamamayan ng Israel, o sinumang dayuhan na namumuhay sa Israel na magbigay ng sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, ay tiyak na papatayin. Dapat siyang batuhin ng mga tao sa lupain gamit ang mga bato.
Deuteronomy 5:8Huwag kayong gumawa ng isang inukit na larawan para sa inyong sarili na kahintulad ng anumang bagay na nasa ibabaw ng langit, o na nasa ilalim ng mundo, o nasa ilalim ng tubig.
2 Kings 17:16Sinuway nilang lahat ang mga utos ni Yahweh na kanilang Diyos. Gumawa sila ng imahe ng dalawang batang baka mula sa hinulmang bakal para sambahin. Gumawa sila ng poste ni Asera, at sinamba lahat ng bituin sa langit at si Baal.
2 Kings 21:6Hinandog niya ang kaniyang anak bilang sinunog na handog sa apoy, nagsagawa siya ng panghuhula at salamangka, at kumonsulta sa mga nakipagusap sa mga patay at sa mga nakipagusap sa mga espiritu. Gumawa siya ng labis na kasamaan sa paningin ni Yahweh, at pinukaw niya ang Diyos na magalit.