Leviticus 20:2
“Sabihin sa bayan ng Israel, 'Sinuman sa mga mamamayan ng Israel, o sinumang dayuhan na namumuhay sa Israel na magbigay ng sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, ay tiyak na papatayin. Dapat siyang batuhin ng mga tao sa lupain gamit ang mga bato.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Nakipag-usap si Yahweh kay Moises, na sinasabing,
Cross References
Leviticus 17:8Dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinumang tao ng Israel, o sinumang dayuhang nakatira sa kanila, na maghahandog ng isang alay na susunugin bilang handog.
Leviticus 17:15Bawat tao na kumain ng isang patay na hayop o ginutay-gutay ng mga mababangis na hayop, maging ang taong iyon ay katutubo o isang dayuhang naninirahan kasama ninyo, dapat niyang labahan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig, at patuloy siyang marumi hanggang gabi. Pagkatapos nito magiging malinis na siya.
Leviticus 20:27Tiyak na dapat patayin ang isang lalaki o isang babaeng nakikipag-usap sa patay o nakikipag-usap sa mga espiritu. Dapat silang batuhin ng mga tao gamit ang mga bato. Sila ay nagkasala at nararapat mamatay.”'
Leviticus 24:16Siya na nilapastanganan ang pangalan ni Yahweh ay tiyak na malalagay sa kamatayan. Lahat ng kapulungan ay tiyak na dapat siyang batuhin, kahit pa nga siya ay isang dayuhan o isang dayuhang Israelita. Kung sinuman ang lumapastangan sa pangalan ni Yahweh, dapat siyang malagay sa kamatayan.
Numbers 15:35Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat patayin ang lalaki. Dapat siyang batuhin ng buong sambayanan sa labas ng kampo.”
Deuteronomy 13:10Babatuhin ninyo siya hanggang sa kamatayan sa pamamagitan ng mga bato, dahil sinubukan niyang hilain kayo palayo mula kay Yahweh na inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, palabas sa bahay ng pagkaalipin.