Acts 7:52
Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga naunang propeta na nagpahayag sa pagdating ng Matuwid; at kayo rin ngayon ang mga nagkanulo at mga pumatay sa kaniya,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 8:7Sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Sundin mo ang boses ng mga tao sa lahat ng bagay na sasabihin nila sa iyo; sapagkat hindi ikaw ang tinanggihan nila, ngunit ako ang tinanggihan nila mula sa pagiging hari nila.
1 Kings 19:14Sumagot si Elias, “Naging napakamasigasig ako para sa iyo Yahweh, Diyos ng mga hukbo, dahil ang bayan ng Israel ay tinalikuran ang iyong tipan, sinira ang iyong mga altar, at pinatay ang iyong mga propeta sa pamamagitan ng espada. Ngayon mag-isa nalang akong natira at gusto nilang akong patayin.”
2 Chronicles 36:16Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
Jeremiah 2:30Pinarusahan ko ang inyong mga tao ng walang kabuluhan. Hindi nila tinanggap ang pagtutuwid. Nilamon ng inyong mga tabak ang mga propeta gaya ng mapaminsalang leon!
Jeremiah 26:15Ngunit dapat ninyong malaman na kapag pinatay ninyo ako, nagdadala kayo ng walang-salang dugo sa inyong mga sarili, sa lungsod na ito at sa mga naninirahan dito, sapagkat tunay na isinugo ako sa inyo ni Yahweh upang ipahayag ko ang lahat ng mga salitang ito sa inyong mga tainga.”
Zechariah 9:9Sumigaw ka nang may labis na kagalakan, anak na babae ng Zion! Sumigaw ka nang may kasiyahan, anak na babae ng Jerusalem! Masdan ninyo! Parating sa inyo ang inyong hari nang may katuwiran at ililigtas kayo. Mapagpakumbaba at sasakay siya sa isang asno, sa anak ng isang asno.