Amos 1:14
Magsisindi ako ng apoy sa mga pader ng Rabba, at tutupukin nito ang mga palasyo, na may kasamang sigaw sa araw ng labanan, na may kasamang bagyo sa araw ng ipu-ipo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
15Ang kanilang hari at ang kaniyang mga opisyal ay sama-samang mabibihag,” sabi ni Yahweh.
Cross References
Deuteronomy 3:11(Para sa mga natira sa Refaim, tanging si Og na hari ng Bashan ang naiwan; tumingin kayo, sa kaniyang higaan ay isang higaang bakal; hindi ba ito sa Rabba, kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Ammon naninirahan? Siyam na kubito ang haba nito at apat na kubit ang lawak, sa paraan ng pag-sukat ng mga tao.)
2 Samuel 12:31Inilabas niya ang mga tao na nasa lungsod at pinilit silang magtrabaho gamit ang mga lagari, mga suyod na bakal at mga palakol; pinagtrabaho din niya sila sa tapahan ng laryo. Inatasan ni David ang lahat ng mga lungsod ng mga tao ng Ammon na gawin ang mga trabahong ito. Pagkatapos bumalik si David at ang buong hukbo sa Jerusalem.
Psalms 83:15Habulin mo sila ng iyong malakas na hangin, at sindakin sila ng iyong bagyo.
Isaiah 30:30Ipaparinig ni Yahweh ang karangyaan ng kanyang tinig at ipapakita ang galaw ng kanyang bisig nang may silakbo ng galit at mga liyab ng apoy, kasama ng bagyo na may malakas na hangin, ulan kasama ng unos, at mga yelo.
Ezekiel 21:25At ikaw, walang galang at masamang pinuno ng Israel kung saan ang mga araw ng kaparusahan ay dumating na, ang mga araw ng paggawa ng kasalanan ay natapos na,
Daniel 11:40Sa mga huling panahon, sasalakay ang hari ng Timog. Mabilis na sasalakay sa kaniya ang hari ng Hilaga na tulad ng isang bagyo na may kasamang mga karwahe at mga mangangabayo at maraming barko. Sasakupin niya ang maraming bansa at tatangayin niya sila tulad ng isang baha.