Daniel 11:40
Sa mga huling panahon, sasalakay ang hari ng Timog. Mabilis na sasalakay sa kaniya ang hari ng Hilaga na tulad ng isang bagyo na may kasamang mga karwahe at mga mangangabayo at maraming barko. Sasakupin niya ang maraming bansa at tatangayin niya sila tulad ng isang baha.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 21:1Isang kapahayagan tungkol sa disyerto sa may dagat. Gaya ng mga hanging bagyo na umiihip sa Negev umiihip ito mula sa ilang, mula sa nakakatakot na lupain.
Jeremiah 4:13Tingnan ninyo, lumulusob siya katulad ng mga ulap at ang kaniyang mga karwahe ay gaya ng isang bagyo. Ang kaniyang mga kabayo ay mas mabilis pa kaysa sa mga agila. Kaawa-awa tayo sapagkat mawawasak tayo!
Ezekiel 38:9Kaya sasalakay ka na gaya ng pagdating ng isang bagyo; magiging katulad ka ng isang ulap na babalot sa lupain, ikaw at ang lahat ng iyong mga pangkat, lahat ng napakaraming kawal na kasama mo.
Daniel 8:17Kaya lumapit siya sa kinatatayuan ko. Nang lumapit siya, natakot ako at nagpatirapa sa lupa. Sinabi niya sa akin, “Unawain mo, anak ng tao, na ang pangitain ay para sa panahon ng pagwawakas.”
Daniel 11:10Magsisimula ng digmaan ang kaniyang mga anak na lalaki at magtitipon ng isang malaking hukbong patuloy na darating at aapaw na tulad ng isang baha, makakapasok at muling sasalakay hanggang sa kaniyang tanggulan.
Daniel 11:26Maging ang mga kasama ng haring kumakain sa hapag-kainan ay susubukan siyang wasakin. Tatangayin ng agos ang kaniyang mga hukbo tulad ng baha at marami sa kanila ang papatayin.