Amos 2:9
Kaya winasak ko ang mga Amoreo sa harap nila, na kasingtaas ng puno ng sedar; siya ay kasinglakas ng ensina. Ngunit winasak ko ang kaniyang bunga sa taas at kaniyang mga ugat sa ilalim.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:8Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Numbers 13:28Gayunman, ang mga taong nagtayo ng kanilang tahanan doon ay malalakas. Pinatibay at napakalawak ng kanilang mga lungsod. Nakita rin namin doon ang mga kaapu-apuhan ni Anak. Nakatira ang mga Amalekita sa Negev.
Numbers 21:23Ngunit hindi pinayagan ni Haring Sihon ang Israel na dumaan sa kanilang hangganan. Sa halip, sama-samang tinipon ni Sihon ang lahat ng kaniyang hukbo at sinalakay ang Israel sa ilang. Nakarating siya sa Jahaz, kung saan nakipaglaban siya sa Israel.
Deuteronomy 1:28Saan tayo maaaring pumunta ngayon? Pinanghinaan tayo ng loob ng ating mga kapatid, na nagsasabing, 'Ang mga taong iyon ay malalaki at matataas kaysa sa atin; ang kanilang mga lungsod ay malaki at pinagtibay hanggang kalangitan; higit pa rito, nakita natin doon ang mga anak na lalaki ng Anakim.'
Deuteronomy 2:24“'Ngayon tumayo kayo, magpatuloy sa inyong paglalakbay, at tumawid sa lambak ng Arnon; tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyong kamay si Sihon ang Amoreo, ang hari ng Hesbon, at ang kaniyang lupain. Simulang sakupin ito, at makipaglaban kayo sa kaniya sa labanan.
Deuteronomy 9:1Makinig, Israel; malapit na kayong tumawid sa Jordan sa araw na ito, pasukin para agawin ang mga bansang higit na malaki at higit na malakas kaysa sa inyong sarili, at mga lungsod na pinatibay pataas hanggang sa langit,