Amos 2:10
Gayundin, inilabas ko kayo sa lupaing Egipto at pinangunahan ko kayo sa ilang ng apatnapung taon upang maangkin ninyo ang lupain ng mga Amoreo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:8Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
Exodus 20:2“Ako ay si Yahweh, inyong Diyos, ang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa labas ng bahay ng pagkaalipin.
Numbers 14:31Ngunit ang inyong mga maliliit na anak na sinasabi ninyong magiging mga biktima, dadalhin ko sila sa lupain. Mararanasan nila ang lupaing inyong tinanggihan!
Deuteronomy 1:20Sinabi ko sa inyo, 'Narating na ninyo ang maburol na bansa ng mga Amoreo, na ibinibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos.
Deuteronomy 2:7Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gagawin ng inyong kamay; alam niya ang inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Dahil sa loob ng apatnapung mga taon na ito si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, at hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.”'
Joshua 24:8Dinala ko kayo sa lupain ng mga Amoreo, na nanirahan sa ibang bahagi ng Jordan. Nakipaglaban sila sa inyo, at ibinigay ko sila sa inyong kamay. Inangkin ninyo ang kanilang lupain, at winasak ko sila sa harap ninyo.