Amos 5:1
Pakinggan ninyo ang mga salitang ito na itinataghoy ko sa inyo, o sambahayan ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Hear ye this word which I take up against you, even a lamentation, O house of Israel.
In Context
Cross References
Jeremiah 7:29Gupitin ninyo ang inyong buhok at mag-ahit kayo at itapon ninyo ang inyong buhok. Umawit kayo ng mga awiting panlibing sa mga bukas na lugar. Sapagkat itinakwil at tinalikuran ni Yahweh ang salinlahing ito dahil sa kaniyang matinding galit.
Jeremiah 9:10Aawit ako ng mga awiting panluksa at panaghoy para sa mga kabundukan, at isang awit na panlibing ang aawitin para sa kaparangan. Sapagkat nasunog ang mga ito kaya walang sinuman ang makadadaan dito. Hindi sila makaririnig ng anumang huni ng baka. Nagsilayo lahat ang mga hayop at ang mga ibon sa kalangitan.
Jeremiah 9:20Kaya kayong mga kababaihan, pakinggan ang salita ni Yahweh, bigyang pansin ang mga mensahe na nagmula sa kaniyang bibig. At turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng awiting panluksa at sa kapwa babae ng awiting panlibing.
Ezekiel 19:1“Kaya ikaw! Maghayag ka ng isang panaghoy laban sa mga pinuno ng Israel
Ezekiel 26:17Aawitan ka nila ng awit ng panaghoy para sa iyo at sasabihin nila sa iyo, Paanong ikaw, na siyang tinitirahan ng mga mandaragat, ay nawasak! Ang tanyag na lungsod na napakalakas - ngayon ay naglaho na sa dagat! At ang mga nananahan sa kaniya ay minsang nagbigay takot sa lahat ng iba pang naninirhan malapit sa kanila.
Ezekiel 27:27Ang iyong kayamanan, produkto at mga kalakal; ang iyong mga marino, mandaragat, at mga manggagawa ng barko; ang iyong mga mangangalakal ng mga produkto at ang lahat ng mga kalalakihang mandirigmang nasa iyo at lahat ng iyong mga tauhan - lulubog sila sa kailaliman ng dagat sa araw ng iyong pagkawasak.