Amos 5:17
May tumatangis sa lahat ng ubasan, sapagkat dadaan ako sa kalagitnaan ninyo,” sabi ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And in all vineyards shall be wailing: for I will pass through thee, saith the LORD.
In Context
Cross References
Exodus 12:12Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
Isaiah 16:10Nawala ang kagalakan at kasiyahan mula sa mga prutasan; at wala ng awitan ni masasayang sigawan sa iyong taniman ng ubas. Wala ng taga-tapak ang umaapak sa pagawaan ng alak; ginawa kong pahintuin ang antigong sigawan.
Jeremiah 48:33Kaya ang pagdiriwang at pagsasaya ay kinuha na mula sa mga bungang-kahoy sa lupain ng Moab. Pinatigil ko na ang alak mula sa mga pigaan ng ubas. Hindi na sila yayapak ng may sigaw ng kasiyahan. Anumang sigaw ay hindi na magiging sigaw ng kasiyahan.
Joel 3:17“Upang malaman ninyo na ako si Yahweh ang inyong Diyos na nananahan sa Zion, sa aking banal na bundok. At magiging banal ang Jerusalem, at wala nang hukbo ang muling sasalakay pa sa kaniya.
Nahum 1:15Tingnan mo, nasa mga kabundukan ang mga paa ng isang taong nagdadala ng magandang balita, na siyang naghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Juda, at tuparin ang iyong mga pangako, sapagkat hindi ka na sasalakayin pa ng masasama, siya ay lubos na naihiwalay.