Amos 6:1
Aba sa mga taong panatag sa Zion, at sa mga taong ligtas na nasa burol ng bansang Samaria, ang mga tanyag na kalalakihang pinakamahuhusay sa mga bansa, na silang hinihingian ng tulong ng sambahayang Israel!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 18:7Kaya umalis ang limang kalalakihan at nakarating sa Lais, at nakita nila ang mga tao na naninirihan doon ng ligtas—katulad din sa pamamaraan ng mga Sidoneo na naninirahang matiwasay at ligtas. Wala ni isa ang siyang sumakop sa kanila sa lupain, o gumulo sa kanila sa anumang paraan. Nanirahan sila ng malayo mula sa mga Sidoneo, at hindi sila nakipag-ugnayan kaninuman.
Proverbs 1:32Ang mga hindi naturuan ay pinapatay kapag sila ay umalis, at ang kakulangan ng mga hangal ang sisira sa kanila.
Isaiah 33:14Ang mga makasalanan sa Sion ay natatakot; panginginig ang lumukob sa mga hindi maka-diyos. Sino sa atin ang kayang manirahan ng ilang araw sa lumalagablab na apoy? Sino sa atin ang kayang manirahan sa walang hanggang pagkakasunog?
Jeremiah 5:5Pupuntahan ko ang mga mahahalagang tao at ihahayag sa kanila ang mga mensahe ng Diyos, dahil kahit papaano ay alam nila ang mga pamamaraan ni Yahweh, ang mga atas ng kanilang Diyos. Ngunit sama-sama nilang sinira ang kanilang mga pamatok, sinira nila ang mga tanikalang nag-uugnay sa kanila sa Diyos.
Jeremiah 48:11Naramdaman ng Moab na ligtas siya mula pa sa pagkabata. Katulad siya ng kaniyang alak na hindi pa naibuhos sa mga banga. Hindi siya nakaranas ng pagkabihag. Samakatuwid, ang lasa niya ay nanatiling masarap gaya ng dati, ang kaniyang linamnam ay hindi nagbago.
Lamentations 1:1Ang lungsod na minsan ay puno ng mga tao ay nakaupo ngayong ganap na malungkot! Naging katulad siya ng isang balo, bagaman isa siyang makapangyarihang bansa! Naging prinsesa siya sa mga bansa, ngunit ngayon ay sapilitang inalipin!