Amos 6:2
Sinasabi ng inyong mga pinuno, “Pumunta kayo sa Calne at tingnan ninyo; mula roon pumunta kayo sa Hamat, ang tanyag na lungsod; pagkatapos bumaba kayo sa Gat ng mga Filisteo. Mas mabuti ba sila kaysa sa dalawa ninyong kaharian? Mas malawak ba ang kanilang nasasakupan kaysa sa inyong nasasakupan?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Aba sa inyong nagpapaliban ng araw ng kapahamakan at naglalapit sa trono ng karahasan.
Cross References
1 Samuel 5:8Kaya ipinadala nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ano ang gagawin namin sa kaban ng Diyos ng Israel?” Sumagot sila, “Hayaang dalhin ang kaban ng Diyos ng Israel sa palibot ng Gat.” At dinala nila ang kaban ng Diyos ng Israel doon.
1 Samuel 17:4Isang malakas na tao ang lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo, isang taong nagngangalang Goliat na mula sa Gat, na ang tangkad ay anim na kubit at isang dangkal.
2 Samuel 8:9Nang narinig ni Toi, hari ng Hamat na tinalo ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,
2 Kings 17:24Nagdala ng mga tao ang hari ng Asiria mula Babilonia at mula Cuta, at mula Avva, at mula Hamat at Separvaim, at inilagay sila sa mga lungsod ng Samaria kapalit ng mga Israelita. Pinamahalaan nila ang Samaria at nanirahan sa mga lungsod nito.
2 Kings 18:34Nasaan na ang mga diyos ng Hamat at Arpad? Nasaan na ang mga diyos ng Sefarvaim, Hena, at Iva? Sinagip ba nila ang Samaria mula sa aking kamay?
2 Chronicles 26:6Lumabas si Uzias at nakipaglaban sa mga Filisteo. Giniba niya ang mga pader sa lungsod ng Gat, Jabne at Asdod. Nagtayo siya ng mga lungsod sa bansa ng Asdod at sa mga Filisteo.