Amos 7:10
Pagkatapos si Amazias na pari ng Bethel, nagpadala ng isang mensahe kay Jeroboam na hari ng Israel: “Nakipagsabwatan si Amos laban sa iyo sa pagitan ng sambahayan ni Israel. Hindi kayang pasanin ng lupain ang lahat ng kaniyang mga salita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 12:31Gumawa si Jeroboam ng mga Templo sa mga dambana; naghirang din siya ng mga pari sa kalagitnaan ng buong bayan, na hindi mga anak na lalaki ni Levi.
1 Kings 18:17Nang makita ni Ahab si Elias, sinabi niya sa kaniya, “ikaw ba ito, ikaw na gumagawa ng kaguluhan sa Israel?”
2 Chronicles 13:8Ngayon ay sinasabi ninyo na kaya ninyong labanan ang makapangyarihang pamumuno ni Yahweh sa kamay ng mga kaapu-apuhan ni David. Kayo ay isang malaking hukbo at kasama ninyo ang mga ginintuang guya na ginawa ni Jeroboam bilang mga diyos ninyo.
Jeremiah 20:1Si Pashur na lalaking anak ni Imer na pari—siya ang namumunong opisyal—narinig si Jeremias na nagpapahayag ng mga salitang ito sa harapan ng tahanan ni Yahweh.
Jeremiah 26:9Bakit ka nagpahayag sa pangalan ni Yahweh at sinabi na magiging gaya ng Shilo ang tahanang ito at mapapabayaan ang lungsod na ito na walang maninirahan?” Sapagkat ang lahat ng tao ay nakabuo ng isang nagkakagulong mga tao laban kay Jeremias sa tahanan ni Yahweh.
Jeremiah 37:13Habang nasa Tarangkahan siya ng Benjamin, nandoon ang isang pinunong bantay. Ang kaniyang pangalan ay Irijas na anak ni Selemias na anak ni Hananias. Hinawakan niya ng mahigpit si Jeremias na propeta at sinabi, “Tumatakas ka upang kumampi sa mga Caldeo.”