Amos 8:5
Sinabi nila, “Kailan matatapos ang bagong buwan, upang muli kaming makapagbenta ng butil? At ang Araw ng Pamamahinga, kailan matatapos, upang makapagbenta kaming muli ng trigo? Gagawin naming mababa ang sukat at tataasan ang halaga, upang makapandaya kami ng maling timbang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 19:36Dapat gumamit lamang kayo ng mga tamang timbangan, mga tamang pabigat, isang tamang epa, at isang tamang hin. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.
Numbers 28:11Sa simula ng bawat buwan, dapat kayong mag-alay ng isang handog na susunugin kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang tupang lalaki, at pitong lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan.
Deuteronomy 25:15Isang ganap at tapat na timbangan ang dapat mayroon kayo; isang ganap at tapat na sukatan ang dapat mayroon kayo, para humaba ang inyong mga araw sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh.
Nehemiah 13:15Sa mga araw na iyon nakita ko sa Juda ang mga taong umaapak sa mga pigaan ng ubas sa Araw ng Pamamahinga at nagpapasok ng mga tumpok ng butil at isinasakay ang mga ito sa mga asno, at pati alak, mga ubas, mga igos, at lahat ng uri ng mga mabibigat na pasanin, na dinala nila sa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga. Tinutulan ko sila sa pagtitinda ng pagkain sa araw na iyon.
Psalms 81:3Hipan ang sungay ng lalaking tupa sa araw ng bagong buwan, sa araw ng kabilugan ng buwan, kapag nagsimula ang araw ng aming kapistahan.
Proverbs 16:11Ang tapat na mga timbangan ay nagmumula kay Yahweh; lahat ng mga pabigat sa sako ay kanyang gawain.