Mga Taga-Colosas 4:3
Manalangin kayo ng sama-sama para sa amin, na magbukas ang Diyos ng pagkakataon para sa kaniyang salita upang sabihin ang lihim na katotohanan ni Cristo. Dahil dito, iginapos ako.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Taimtim na magpatuloy sa panalangin. Manatiling handa sa pasasalamat.
4At manalangin na magawa ko ito ng malinaw gaya ng nararapat kong sabihin.
Read all of Mga Taga-Colosas 4
Cross References
Matthew 13:11Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nabigyan kayo ng pribilehiyo ng pagkaunawa sa mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit sa kanila ay hindi naibigay.
Romans 15:30Ngayon hinihikayat ko kayo, mga kapatid, sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa pamamagitan ng pag-ibig ng Banal na Espirito, na magsumikap kayo kasama ko sa inyong mga panalangin sa Diyos patungkol sa akin.
1 Corinthians 16:9sapagkat may isang maluwang na pintuan ang nabuksan para sa akin, at doon ay maraming kaaway.
Ephesians 3:1Dahil dito, akong si Pablo ay bilanggo ni Cristo Jesus alang-alang sa inyo mga Gentil.
Ephesians 6:19At ipanalangin ninyo ako na maibigay sa akin ang mensahe kapag binukas ko ang aking bibig. Ipanalangin ninyo na maipaalam ko nang may katapangan ang nakatagong katotohanan tungkol sa ebanghelyo.
Philippians 1:13Dahil ang aking pagkabilanggo dahil kay Cristo ay nalaman ng mga bantay sa buong palasyo at ng lahat.