Matthew 13:11
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Nabigyan kayo ng pribilehiyo ng pagkaunawa sa mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit sa kanila ay hindi naibigay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 25:8Si Yahweh ay mabuti at matuwid; kaya itinuturo niya ang daan sa mga makasalanan.
Isaiah 29:10Dahil ibinuhos sa inyo ni Yahweh ang espiritu ng mahimbing na tulog. Isinara niya ang inyong mga mata, mga propeta, at tinakpan ang inyong mga ulo, mga manghuhula.
Matthew 11:25Nang mga oras na iyon sinabi ni Jesus, “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at nakauunawa at iyong inihayag ang mga ito sa mga hindi nakapag-aral, tulad ng mga maliliit na bata.
Matthew 19:11Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi lahat ay tatanggap sa aral na ito, kundi sila lamang na pinahihintulutan na tanggapin ito.
Luke 8:10Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang mga hiwaga sa kaharian ng Diyos, ngunit ang ibang mga tao ay tuturuan lamang sa mga talinghaga, kaya tumingin man sila ay hindi talaga sila makakakita, at makinig man sila ay hindi talaga sila makakaunawa.
John 6:65Sinabi niya, “ Dahil dito ay sinabi ko sa inyo na walang isa man na maaring makalapit sa akin maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.”