Daniel 1:7
Binigyan sila ng mga pangalan ng pinunong opisyal: tinawag si Daniel na Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misael na Meshac, at si Azarias na Abednego.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Kabilang sa mga ito ay sina Daniel, Hananaias, Misael, at Azarias, ilan sa mga tao ng Juda.
Cross References
Genesis 41:45Tinawag ni Paraon ang pangalan ni Jose na “Zafenat-panea.” Binigay niya si Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On, para maging asawa. Ang kapangyarihan ni Jose ay nasa itaas ng buong Ehipto.
2 Kings 24:17Ginawa ng hari ng Babilonia si Matanias, ang kapatid na lalaki ng ama ni Jehoiakin, na hari kapalit niya, at pinalitan sa Zedekias ang kaniyang pangalan.
Daniel 1:10Sinabi ng pinunong opisyal kay Daniel, “Natatakot ako sa aking panginoong hari. Ipinag-utos ng hari kung ano ang inyong kakainin at ang inyong iinumin. Bakit kailangan niyang makita na mukhang mahina kayo kaysa sa mga binata na kasing-edad ninyo? Pupugutan ako ng ulo ng hari dahil sa inyo.”
Daniel 2:49Si Daniel ang naging punong gobernador sa lahat ng matatalinong kalalakihan ng Babilonia. Gumawa ng kahilingan si Daniel sa hari, at hinirang ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego na maging tagapangasiwa sa buong lalawigan ng Babilonia. Ngunit nanatili si Daniel sa palasyo ng hari.
Daniel 4:5Ngunit natakot ako sa isang panaginip ko. Habang nakahiga ako roon, nabagabag ako sa mga larawang aking nakita at sa mga pangitain sa aking isipan.
Daniel 5:12Ang lahat ng mga katangian na ito, natatanging espiritu, karunungan, pang-unawa, pagbibigay kahulugan sa mga panaginip, nagpapaliwanag sa mga matalinhagang salita, paglulutas ng mga suliranin ay matatagpuan sa mismong Daniel na pinangalanan ng hari na Beltesazar. Ipatawag mo si Daniel ngayon at sasabihin niya sa iyo ang kahulugan ng nakasulat.”