Daniel 2:49
Si Daniel ang naging punong gobernador sa lahat ng matatalinong kalalakihan ng Babilonia. Gumawa ng kahilingan si Daniel sa hari, at hinirang ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego na maging tagapangasiwa sa buong lalawigan ng Babilonia. Ngunit nanatili si Daniel sa palasyo ng hari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Esther 2:21Sa panahong iyon, habang si Mordecai ay nakaupo sa tarangkahan ng hari, dalawa sa mga opisyal ng hari na sina Bigtan at Teres, na nagbabantay sa daanan ng pintuan, ay nagalit at naghanap ng paraan para gumawa ng masama kay Haring Assuero.
Proverbs 28:12Kung may katagumpayan sa mga gumawa ng kung ano ang tama, mayroong dakilang kaluwalhatian, ngunit kung ang masama ay bumangon, tinatago ng mga tao ang kanilang sarili.
Daniel 1:7Binigyan sila ng mga pangalan ng pinunong opisyal: tinawag si Daniel na Beltesazar, tinawag si Hananias na Shadrac, si Misael na Meshac, at si Azarias na Abednego.
Daniel 2:17Pagkatapos, pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at ipinaliwanag niya kay Hananias, Misael, at Azarias kung ano ang nangyari.
Daniel 3:12Ngayon, may ilang mga Judio na iyong itinalaga sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia, ang kanilang mga pangalan ay sina Shadrac, Meshac at Abednego. Ang mga kalalakihang ito, o hari, ay hindi nakinig sa inyo. Hindi nila sinamba, pinaglingkuran ang iyong diyos o nagpatirapa sa harapan ng gintong imahen na iyong ipinatayo.”
Amos 5:15Kamuhian ang kasamaan, ibigin ang mabuti, magtatag kayo ng katarungan sa tarangkahan ng lungsod. Baka sakaling mahabag si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, sa mga nalalabi ni Jose.