Daniel 10:6
Ang kaniyang katawan ay katulad ng topaz, ang kaniyang mukha ay katulad ng kidlat, ang kaniyang mga mata ay katulad ng ningas ng mga tanglaw, ang kaniyang mga braso at kaniyang mga paa ay katulad ng makinis na tanso, at ang tunog ng kaniyang salita ay katulad ng ingay ng napakaraming tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezekiel 1:7Tuwid ang kanilang mga binti, ngunit ang talampakan ng kanilang mga paa ay tulad ng mga kuko ng isang guya na makinang tulad ng pinakintab na tanso.
Ezekiel 1:16Ito ang wangis at balangkas ng mga gulong: ang bawat gulong ay tulad ng berilyo, at magkakatulad lahat ang apat, tila binabagtas ng isang gulong ang isa pang gulong.
Ezekiel 8:2Kaya tumingin ako, at pinagmasdan, mayroong larawan na tulad ng isang lalaki na may anyong tulad ng apoy mula sa kaniyang balakang pababa! At mayroong isang nagniningning na anyo na tulad ng kumikinang na metal mula sa kaniyang balakang pataas!
Matthew 17:2Siya ay nagbagong anyo sa kanilang harapan. Ang kaniyang mukha ay nagliwanag na katulad ng araw, at ang kaniyang mga damit ay naging puting-puti katulad ng liwanag.
Revelation 1:13Sa gitna ng mga ilawan ay mayroong isang katulad ng Anak ng Tao, suot ang isang mahabang balabal na abot pababa sa kaniyang mga paa, at isang gintong sinturon na nakapalibot sa kaniyang dibdib.
Revelation 10:3Pagkatapos sumigaw siya ng malakas na tinig gaya ng umaatungal na leon, at nang siya ay sumigaw ang pitong mga kulog ay dumagundong.