Daniel 10:5
Tumingala ako at nakita ko ang isang lalaki na nakadamit ng telang lino, na may sinturon na nakapalibot sa kaniyang baywang na yari sa purong ginto mula sa Uphas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 5:13Nang malapit na si Josue sa Jerico, tumingala siya at nakita, at masdan ito, isang lalaki ang nakatayo sa kaniyang harapan; hinugot niya ang kaniyang espada at ito at nasa kamay niya. Lumapit si Josue sa kaniya at sinabing, “Ikaw ba ay sa amin o para sa aming kaaway?”
Jeremiah 10:9Nagdadala sila ng pilak na pinanday mula sa Tarsis at ginto mula sa Upaz na gawa ng mga manggagawa at ng kamay ng mga panday. Asul at lila ang kanilang mga damit. Ang kanilang mga dalubhasang tauhan ang gumawa ng lahat ng bagay na ito.
Daniel 12:6Sinabi ng isa sa kanila sa lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig, “Gaano katagal matatapos ang mga kamangha-manghang pangyayaring ito?”
Ephesians 6:14Kaya nga magpakatatag kayo. Gawin ninyo ito pagkatapos ninyong maisuot ang sinturon ng katotohanan at maisuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran.
Revelation 15:6Mula sa pinaka banal na lugar, lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, dinamitan ng dalisay, maliwanag na lino at may mga gintong laso ang nakapalibot sa kanilang mga dibdib.