The Bible Software
bible.softwareDanielDaniel 11 › Daniel 11:12

Daniel 11:12

Kapag nagtagumpay na ang mga hukbo, mapupuno ng pagmamataas ang hari ng Timog, at papatayin ang libu-libo sa kaniyang mga kaaway. Ngunit hindi siya magtatagumpay.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And when he hath taken away the multitude, his heart shall be lifted up; and he shall cast down many ten thousands: but he shall not be strengthened by it.

In Context

11Ang hari ng Timog ay galit na magmamartsa at makikipaglaban sa hari ng Hilaga. Magpapalakas ng malaking hukbo ang hari ng Hilaga, ngunit ibibigay ito sa hari ng Timog.

13Muling bubuo ng isa pang hukbo ang hari ng Hilaga, mas malaki kaysa nauna. Pagkatapos ng ilang taon, ang hari ng Hilaga ay tiyak na babalik na may isang malaking hukbo na natustusan ng maraming kagamitan.

Read all of Daniel 11

Cross References

Deuteronomy 8:14na pagkatapos ang inyong puso ay maaaring magmataas, at maaari ninyong makalimutan si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin.

2 Chronicles 25:19Sinabi mo, 'Tingnan mo, napabagsak ko ang Edom' at itinaas ka ng iyong puso. Magmalaki ka sa iyong tagumpay ngunit manatili ka sa tahanan, sapagkat bakit mo ipapahamak at ibabagsak ang iyong sarili, ikaw at ang Juda na kasama mo?”

2 Chronicles 32:25Ngunit hindi tumanaw ng utang na loob si Ezequias kay Yahweh sa tulong na ibinigay sa kaniya, sapagkat nagmalaki ang kaniyang puso. Kaya dumating ang galit sa kaniya, sa Judah at sa Jerusalem.

Isaiah 10:7Pero hindi ito ang kaniyang intensyon, o hindi niya inisip ang ganitong pamamaraan. Nasa kaniyang puso ang wasakin ang maraming bansa.

Ezekiel 28:5Sa pamamagitan ng iyong labis na kaalaman at sa iyong pangangakalakal, naparami mo ang iyong kayamanan, kaya ang iyong puso ay mapagmataas dahil sa iyong kayamanan!

Daniel 5:19At dahil sa kadakilaang ibinigay ng Diyos sa kaniya, ang lahat ng tao, mga bansa at mga wika ay nanginig at natakot sa kaniya. Ipinapatay niya ang mga gusto niyang mamatay at pinapanatili niyang buhay ang mga gusto niyang mabuhay. Binigyan niya ng karangalan ang mga gusto niyang parangalan, at ibinababa niya ang mga gusto niyang ibaba.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Daniel 11:12

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Daniel 11:11Daniel 11Daniel 11:13 →