The Bible Software
bible.softwareDanielDaniel 11 › Daniel 11:37

Daniel 11:37

Hindi niya isasaalang-alang ang mga diyos ng kaniyang mga ninuno, ang diyos na ninanais ng mga kababaihan, o iba pang mga diyos. Magmamataas siya at aangkining mas mataas siya sa kanilang lahat.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Neither shall he regard the God of his fathers, nor the desire of women, nor regard any god: for he shall magnify himself above all.

In Context

36Gagawin ng hari ang lahat ng kaniyang ninanais. Itataas niya at palalakihin ang kaniyang sarili sa ibabaw ng bawat diyus-diyosan, at magsasalita ng mga bagay na kagulat-gulat laban sa Diyos ng mga diyos. Magtatagumpay siya hanggang sa maganap ang poot. Sapagkat matutupad ang ipinasyang magaganap.

38Sa halip na sila, sasambahin niya ang diyos ng mga tanggulan. Paparangalan niya ng ginto at pilak ang isang diyos na hindi kilala, kasama ang mga mahahalagang bato at mamahaling handog.

Read all of Daniel 11

Cross References

Genesis 3:5Dahil alam ng Diyos na sa araw na kainin ninyo ito mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo ay magiging tulad ng Diyos, na nakaaalam ng mabuti at masama.”

Deuteronomy 5:21Huwag ninyong pagnasaan ang asawa ng inyong kapit-bahay, huwag ninyong pagnasaan ang bahay ng inyong kapit-bahay, kaniyang bukid, o kaniyang lalaking tagapaglingkod, o kaniyang babaeng tagapaglingkod, kaniyang baka, o kaniyang asno, o anumang bagay na pag-aari ng inyong kapit-bahay.'

Song of Solomon 7:10Ako ay sa aking minamahal, at ninanais niya ako.

Isaiah 14:14Aakyat ako na mas mataas sa mga ulap; gagawin kong Kataas-taasang Diyos ang aking sarili.'

Ezekiel 28:2“Anak ng tao, sabihin mo sa namumuno ng Tiro, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Mapagmataas ang iyong puso! Sinabi mo, “Ako ay isang diyos! Uupo ako sa upuan ng mga diyos sa kalagitnaan ng dagat!” Kahit na ikaw ay tao at hindi Diyos, ginawa mo ang inyong puso na gaya ng puso ng isang diyos;

1 Timothy 4:3Ipagbabawal nila ang pag-aasawa at pagtanggap ng mga pagkaing nilikha ng Diyos upang ipamahagi ng mga mananampalataya at nakakaalam ng katotohanan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Daniel 11:37

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Daniel 11:36Daniel 11Daniel 11:38 →